back when c.o.d. had a christmas display

Nanonood ako ng news, tulad ng gawi ko bawat gabi, nang may napanood akong maiksing feature tungkol sa C.O.D Christmas display sa Greenhills. Nagpakita ang report ng mga shot ng mga umaandar na manyika, mga automated na train, sumasayaw na ilaw - iba't ibang elemento ng mga moving display.

Nasisip ko lang - tulad yata iyon ng mga pinapalabas sa C.O.D store noon. Kaya ba tinawag na "C.O.D" ang display ay dahil isa itong homage sa dating C.O.D store?

Nalaman ko ngayon lang na ang ibig sabihin pala ng C.O.D ay Christmas on Display, hehe.

Naisip ko rin - never yata akong nakanood ng Christmas show sa C.O.D 'nung bata ako. Although madalas kong nakikita ang mga naka-display na Christmas dolls sa harapan ng C.O.D building kapag dumadaan ang sasakyan namin sa Cubao, parang wala akong maalala na napanood ko ang presentation ng mga gumagalaw na manikin kada 7 ng gabi tuwing Disyembre.

Ang sigurado ko lang na naaalala ko ay ang sinabi ng mga kamag-anak, teacher at mga kaklase ko na nakakatuwa at napakaganda ng mga presentation taon-taon: may mga manyika at manikin na metukuloso ang pagkakayari, gumagalaw sila, sumasayaw at naghahayag ng isang kwentong pang-Pasko. May music at ilaw pa. Ang lahat ay naaliw, bata man o matanda, kaya it's worth the travel and the siksikan.

Simple lang ang trip ng mga tao noon. Sikat na sikat 'yon nung '80s. Medyo yata humina 'nung '90s - pero siguro dahil tumatanda na ako 'nun at wala na akong paki sa mga bagay na parang pambata. Ang tining ko pa nga noon, baduy at laos na ang mga presentation na ganun. Nung 2004, tuluyan na silang nagsara.

Ngayon, alaala na lang talaga ang C.O.D -- at wala pa akong maalala. Hindi ko alam kung bakit nagsara sila. Pero sigurado akong maraming matanda at mga dating-bata nasayangan sa pagsara nila dahil wala na ang mga Christmas show na naging tradisyon na sa Metro Manila. 'Yung mga matatanda at mga dating-bata na nagkaroon ng mga magagandang memory ng Pasko dahil sa sayang dinala ng mga C.O.D. display taon-taon.
.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...