back when parokya was young

Another entry in Taglish.

Kung tama ang pagkakaalala ko, March 1994 noon; patapos na ang schoolyear. Ang graduating batch ng Ateneo de Manila High School ay nagra-wrap up na ng kanilang apat na taon sa high school -- ilang linggo ng grad practice, clearance at iba't ibang non-academic activities na pampalubag-loob. Isang hapon, nagtipon-tipon ang mga studyante sa High School Covered Courts* para sa isang event. Sa kalagitnaan ng programa, may pumanik sa stage na banda: ilang mga magkakalase mula sa graduating batch.

*Oo, may S talaga yun.


Sinimulan nilang tugtugin ang Creep* ng Radiohead. Nakilala ng mga mag-aaral ang tugtog, at nag-cheer sila. Pero nang kumakanta na ang vocalist, iba yata ang lyrics - ha, tagalog? Kumanta siya tungkol sa craving niya para sa siopao na special. Ang kanta nilang ito ay hindi Creep, kundi Trip ang pamagat.

* Ang Creep ay isang kantang noise-rock na sikat na sikat na sikat na sikat to the point of
rocker anthem noong mga araw na 'yon


Trip nga talaga - laugh trip. Ang galing ng wording, at saka ang kulit - in a really good way.

Nagpakilala nga pala ang banda: "Kami ang ... Parokya Ni Edgar!"

Hindi pa actually Parokya Ni Edgar ang pangalan nila at that time, kundi Comic Relief - kasi nga, pang-comic relief ang mga novelty rock songs nila. Ang phrase na "Parokya Ni Edgar" ay isang inside joke ng section nila. Isa itong impromptu smart-aleck answer ng classmate nila noong tinatalakay sa Filipino class ang El Filibusterismo ni Jose Rizal.

"Saan (blah blah blah) si Crisostomo Ibarra?," tanong ni Teacher.
Ang sagot ng nagulantang na estudyante, "Sa ... parokya ni Edgar!"* **

* Ang ibig sabihin ng parokya ay "parish" o "parish church". Kung sino si Edgar, hindi ko alam.

** Ang estudyanteng iyon ay ang kaklase nilang nagngangalang Bambi Cuna (info provided by Chito).

Obviously, benta. So nung ini-introduce nila ang mga sarili sa programang 'yon sa Ateneo High, bigla na lang nasabi ang phrase / inside joke na ang mga ka-section lang nila ang makaka-get. At mula noon, dumikit na ang bago nilang pangalan.

"Our next song is a song by a blonde nun,"* sabi nila . At saka tinugtog nila ang What's Up ng 4 Non-Blondes.

* Siyempre mga ingglisero pa, Atenista pa sila nun eh.


Tinugtog din nila ang Nanakaw Ang Wallet Ko, na version nila ng Knocking On Heaven's Door ng Guns n' Roses / Bob Dylan. Patok na patok sila sa mga ka-eskwela nila dahil sa kakwelahan.

Pagkagraduate, bumenta din sila sa ibang tao. Ang iba sa kanila nag-college sa Ateneo, ang iba nag-UP*, at tinuloy ng ilan ang pagba-banda. Eventually nawala sa Parokya ang dalawang original members nito from Ateneo high, pero nag-merge naman sila sa mga dating member ng bandang Looney Tunes. Na-form ang Parokya na kilala natin ngayon:

Chito Miranda on lead vocals
Darius Semana on lead guitar
Gab Chee Kee on rhythm
Buwi Meneses on bass
Dindin Moreno on drums
Vinci Montaner ... ano nga ba siya?

* UP: University of the Philippines. Naging kaklase ko si Chito sa College of Fine Arts. Si Vinci naging kaklase ko sa GE 'nung freshman (sa isang subject kung saan marami kaming binagsak ng walanhiyang prof); naalala ko lang sa kanya ay pogi siya noon at napapag-initan ng prof na mukhang manyak. Madalas kong nakikita ang Parokya boys sa CFA, lalo na kung may tugtog sila sa UP, which is madalas mangyari. Minsang naka-tambay ko sila sa tindahan ni Manang Babes.

Kahit wala pa silang album noon, sikat na sikat sila sa mga nagpapaka-rocker na suki ng Club Dredd* at Mayrics**. Alam ng mga fans ang mga kanta tulad ng Cooking ng Ina Mo, Chikinini (spoof ng Banal na Aso / Santong Kabayo ng Yano) at Pangarap Ko sa Buhay.

* Oo nga pala - nasa Km 19 Edsa pa ang Dredd noon. At ni wala pang Eastwood.
** Sazi's na ngayon ang Mayrics.

1995, sumikat ang kanta nilang Buloy - una sa NU 107 at humawa na sa ibang mga station - at noon sila nakilala sa radyo ng mga taong hindi alam kung ano ang Km 19. Ang Buloy ay tungkol sa totoong tao na na-kainuman nila sa Gulod*. Hindi yata nila alam ang totoong pangalan niya, basta ang tawag lang nila sa kaniya ay "Buloy". Hindi daw talaga siya nag-suicide nung una, pero pinatay nila siya dun sa kanta. Later on naging totohanan na ang suicide niya.

* Gulod : tambayan / inuman place sa loob ng UP Diliman Campus; nawala na ito nung 1999


Iilan lang sila na novelty rock acts* - marami kasi noon ang grunge / post-grunge, alternative at metal - kaya medyo naiiba sila sa karaniwang style noon. Pero ang pinakaka kakaiba sa Parokya ay ang husay nilang mag-entertain gamit ang kakulitan (at minsan, kabastusan). Ang maganda pa sa kanila, hindi sila nagpapa-cute tulad ng ibang mga banda na may pa image-image pa. Medyo jologs ang dating nila kung minsan, pero hindi baduy kasi intelihente yung humor nila, hindi slapstick. Nakakatawa kapag nagtanggal ng T-shirt si Chito - patpatin pa ang katawan niya noon, yun nga ang nakakatawa eh. Kung minsan may pekeng tattoo pa na naka-pentel pen lang (wala pa silang mga tunay na tatoo noon).

* Novelty Rock : Rock ang music, pero kakulitan ang lyrics. Ang iba pang novelty rock acts noon ay Grin Department, Tungaw at Ciudad. Pero angat talaga ang Paroyka. Wala pang Kamikazee noon.

Kaya nga nanalo sila sa NU Rock Awards ng Best Live Act noong 1996.

Sila din ang Best New Artist nung taong yon. Official na "recording artist" na sila dahil lumabas na ang unang album nila na Khangkhungkhernitz. Nandun siyempre sa album na 'yon ang mga kantang nabanggit, pwera ang Chikinini, dahil hindi pumayag ang Yano. *

* Medyo mayabang pa ang Yano noon kasi sikat pa sila na pinoy alternative band. Nung 2003, binigyan na rin ng permiso ang Parokya i-record ang Chikinini at isama sa album na Bigotilyo. Nalaos na kasi ang Yano, at sikat na sikat ang Parokya. Mas big-time pa ang Parokya kesa sa kung ano man ang inabot ng Yano.

Lagpas isang dekada nang sikat ang Parokya - nagkaroon na sila ng sampung album, at parang parami pa rin nang parami ang fans nila - at hindi pa sila naluluma. Maganda kasi sa kanila, bukod sa magaling sila tumugtog at magsulat ng lyrics, hindi sila natatali sa genre, at hindi sila takot mag-experiment. Kaya nga nagugustuhan sila ng maraming tao - whether bata o matanda, jologs or soyalin, simpleng tao o inggliserong Atenista level. Patunay dito ang lagpas 10 na panalo at lagpas 20 na nomination mula sa NU Rock Awards, MTV, Awit Awards, MYX at iba pa.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...